Before maglongweekend

October 29, 2016 Saturday

Heto na naman ako. Kinuha yung sobrang glassine paper na natira at ito ay aking ginawang origami. Gusto ko lang di masayang yung mga papel. At para kasing gusto kong itry kung pano ifold ang napakadelicate na paper na ito.

Gusto kitang kausapin kaya lang busy ka.

At heto ako, nagfofold pero nakikipagusap pala ng mag-isa at sa isip lamang.

Alam mo bang nalulungkot ako ngayon? Siguro nafeel mo din dahil hindi ka umiimik na parang gusto mo lang sabihin sakin na okay lang yan, andito naman ako, may kasama ka.

Pero wala lang. Alam mo bang may dalawa akong maling desisyon na ginawa ngayon.

Yung isa ay actually, nagawa ko na pero ngayon ko lang nalaman na mali pala. “Mailap” daw ako? Di ko alam yung exact meaning pero parang maihahaintulad ko siya sa boat na madaling ma-sway sa waves? or di naman, yung taong walang integrity. Or di naman yung taong umaalis lang bigla, para akong hangin.

Ganun ba? Sa tingin mo ba ako ay mailap?

Sa tingin ko din na maraming tao ngayon ang takot sa attachments or commitments. Siguro dahil may mga tao ding mga mailap na katulad ko? Takot ka din ba na mawala ako bigla? Pero sa mundong ito, lahat naman ng bagay ay hindi permanente. Tulad ng kamatayan. Ang buhay natin dito sa mundo ay temporary lamang. Pero kung may kinikilala kang Diyos, ito ay si Panginoong Hesus at naniniwala ka sa kanyang salita na sassgipin nya ang magulo mong buhay. Then, may forever ka na. Alam mo ba yun?

Yung pangalawa ko namang pagkakamali ay ang desisyon umalis at gumiveup na tulungan ang isang tao na hindi naman sinasabi kung kelangan talaga nya ng tulong. Hindi ako sigurado kaya tinigil ko. Kaya nagtampo siya at di ako kinausap. Ang sama ko diba? May mga bagay ba sa buhay mo na takot mong aminin sa iba dahil sa pride? Ayaw mo bang sabihin na kelangan mo ng tulong ng iba? Dahil alam mo sa sarili mo na kaya mo naman ito at may iba pang darating na tulong. Pero minsan, humarap muna tayo sa salamin at tingnan natin sarili natin kunh gaano tayo kaimperpekto, hindi lahat ng bagay kaya natin, na tayo ay weak. Na kailangan natin ng tulong.

Kailangan mo ba talaga ng tulong? Ako, kailangan ko. Inaamin ko sa mga mali kong desisyon ngayong araw. At inaamin ko din kung gaano ako nasaktan sa mga tao na kasama dito. Kaya siguro sinusulatan kita, para malaman mo. Nababasa mo ba ‘to?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s